Friday, October 13, 2006

Ang Pinakahihintay nyo.. Ang Pagbabalik..

Hay.. tumanda nanaman ako ng isang taon.. Officially e 23 years old nako.. Kakatapos lng ng bertday ko kc ngayon e October 13, 2006 na (friday the 13th pa)..

Konting kwento muna sa mga nangyari sakin sa matagal na panahon..

1st Story:
Dapat e graduate nako kso e nangyari ang mga hindi inaasahan, may nakabangga nanaman na teacher at ako ang easy target na ibagsak dahil isa daw ako sa mga lider ng Magdalo (ibingay samin na nickname ng mga teacher namin dahil mahilig daw kami magreklamo) sa batch namin. Sobrang pasaway daw kami..

Nangyari nyan e hindi ako gumraduate.. Ang masama pa e seasonal ang mga subjects ko kya i have to wait ng 2nd term..

2nd Story:
Anu ba nangyari sakin for the past months, simula nag d ako nag aaral..
Dapat e magwowork sana ko sa call center kso e diniscourage ako ng mga magulang ko at mga ate ko kc bka daw pag naramdaman ko na sumweldo at magkasariling pera e bka hindi nako magaral. Sabagay e hindi malayong magyari yun.

Saking d pagaaral at pagiging PAL (palamunin) sa bahay namin e wala kong ginawa kundi kumain at matulog ng madaling araw tapos gumising ng tanghali..

Unang part ng hindi pag aaral: Ang pagdating ni pinsan Ryan
Dumating sya ng mga end of may, wala kaming ginawa kundi kumain at mag inom kasi namiss daw ni pinsan ko mga pagkaing pinoy at dito lng sya makakapahing a daw. So in e nag luho moves kami. Napakasaya ng pagkakasama namin ni pinsan ko kasi matagal na panahon kaming hindi nagkita, mga 5 years din at sa pagkaalis e lungkot ang naramdaman namin dahil indefinite pa kung kelan ulit magkikita..

Pangalawang part ng hindi pag aaral: Ang pagdating ni Mark
Sa pagdating ni Mark e parang walang nagbago, payat pa din sya.. Nagpalit lng sya ng hair style, hehe. Sa pagadating ni Mark e nagluho moves nanaman kami na parang wala nang bukas. May mga nangyari na masaya at may mga nakakabuset, gaya ng trip to ogapo namin na nasiraan kami. Hanggang ngyn e nabubuset pa din ako pag naaalala ko yun! Danang yan! Dumulas paa sa brakes!! anu yun!! Sa mga masayang moments e yung kwentuhan lng ng buhay buhay, namiss namin yun. Kahit nasa bahay lng, kahit wala sa sosyal na lugar, kahit na kami kami lng e masaya na kami sobra. Sa pagalis ni Mark e lungkot nanaman ang naramdaman namin kasi hiwalayan nanaman, wala nang kakwentuhan hanggang umaga at nabawasan na ng kamuritan. Kakalungkot man pero kelangan. Tumatanda na kami e kya kelangan nang maging responsable..

Pangatlong part ng hindi pag aaral: Ang pagdating ng Tatay ko..
Dumating c tatay ng mga late August. Mga 2-3 days pagdating nya e alis kami for davao (the lang of durian and malongs) naisip namin na gawin to dahil mura ang pamasahe (salamat sa cebu pacific anniversary) kumpleto kaming pamilya na umalis with pinsans na kim & ken na sila tlaga ang tga dun. Nagstay kami kila tita daisy (mudraks ni kim & ken),sinundo kami ni kit (bunso n kapatid nla ken) at sa aming pagdating dun e sinalubong kami ng pagkayen na masasarap (panga na inihaw, kaderetang baka at prutas na masasarap). pagkatapos kumayen e nag movie marathon muna ko kasi d pako antok nun. Isa sa mga pinasyalan namin dun ang crocodile farm, na may maraming crocodile na nakakagulat pag gumalaw, we had a fun time, nangitim nga lng kami kasi tanghali na kami duating dun at d uso ang silungan. Ang next destination namin e swimming sa beach, kelangan namin mag bangka pa para makapunta sa beach. Magandang lugar sya, malinis at tahimik pero nng dumating na kami e umingay ang lugar kasi naginom kmi dun at nag videoke. Pati si tatay nagkanta, lufet! Old school! Natuwa ko sa mga ginawa namin kasi first time na nangyari sa pamilya namin yun. The next day e balik na kasi kelangan na mamili kasi malapit na kami umuwi. Nakbili nanaman ako ng malong ko. Yesss! Balik Tarlac nanaman after nun. After a month naman e uwi kami ng Iloilo dahil binyag ng pamangkin namin at ninong ako, di ko maisip at ako ang naisip na maging ninong ng batang yun. Sa paguwi sa Iloilo e sumalubong sakin ang akin paborito, talaba!!! Nyaman! Dami ko nakain nun halos wala na kong kinain na kanin sa dami ng talaba. The next day e binyag day na, sa aking pagkabigla e drayber pa din ako dun! Di na nagbago ang role ko. After ng binyag e may reception sa isang chinese resto sa aking pagkabigla ulit e kelangan daw magsalita ng mga ninong at ninang. Ang mahirap e 2nd to the last akong tinawag kya wala na kong masabi, napa english pa ko buti na lng e di napansin ng tao na mdyo dumugo ilong ko. The next day e nag shopping kami kasi pinadalhan kami ng pepey ni tita edith, thank you tita!! Namili kami ng damit at mga regalo ko sa mga inaanak ko dun. Pag uwi sa bahay e sakto na 4th quarter na ng championship ng UST at Ateneo, lahat ng tao sa bahay nun e mga atenista at ako lng ang nagcheer pra sa UST. Ang masaya e nagchampion sila!! After the game e tumuloy kami sa Crua Thai (di ko sure kung yun name ng resto, hehe) obviously e thai resto sya at after magpakabusog e nag videoke kami ala fat fat with cousins, ang nakakalungkot e d ako makainon dahil drayber ako.. Waaaah! Pag uwi nun e tulog na agad dahil pagod kasi the whole day e lumilibot kami. The next day e bili na ng mga pasalubong dahil malapit na umuwi. Sa totoo lng e wala kong ginawa dun kundi kumayen ng marami!!

Pangapat na part ng hindi pag aaral: Futsal!!
Minsan e ininvite ako ni engel na maglaro ng futsal sa TSU, sa kasamaang palad e ang mga nakalaro ko nun e mga koreano at danang yan mga hindi napapagod at ang liliksi. Masamang nangyari nyan e sa sobrang pagod ko e nasusuka ako (dala ng bisyo at hindi paglalaro ng matagal na panaho). Sa madaming beses na paglalaro ko e eventually nakapag adjust nako, hindi nako napapagod agad. Dahil sa futsal e nadagdagan mga kaibigan ko, sila ngayon ang madalas ko na nakakasama. Sa football adventures namin e nakabuo sila ng team ang DB 9900, mag football players ng mga alumni ng bosco na batch 99 at batch 2000. Sa aming unang unang tournament na sasalihan e kamalasan ang nangyari, bumagyo at hindi natuloy. Naisipan na lng namin na maglaro sa UP kahit na umuulan, ang naging probleama lng nun e wala kaming liliguan at bibihisan kya ginawa namin e nakiligo kami sa dorm ni kulas. Sa aming next n sasalihan na tourney e kamalasan nanaman ang tumama at bumagyo at hindi kami natuloy. Next na football adventure nyan e ang intrams ng TSU, isang buong araw ng futsal, saya! Pagkauwi ko galing Iloilo e dumiretso ko sa TSU upang makapanuod ng intrams nla at yun lng ang ginawa ko sa next 3 days (naki intrams sa TSU).

3rd story:
Masakit na storya pero naghiwalay na kami ni joanne.. Nakakalungkot.. Wala na munang details ngayon dahil mahabang storya sya at magulo..

4th story:
Kakatapos lng ng bertday ko dahil october 13 na. Madaling araw pa lng ng October 12 e madami nang nag greet na nakakatuwa at nakakataba ng puso. May mga nag greet na di ko ineexpect na maaalala ang bertday ko. Pero sa lahat ng bumati sakin e maraming maraming salamat. C nico e kakagreet lng nya habang ginagawa ko to, nakalimutan daw nya bertday ko dahil sa haggardness (parang si red lng yan ah). May mga tao pa na nakalimot sa bertday ko na di ko ineexpect na makaklimutan nla, ang masasabi ko lng sa nyo e TSEH! (may kasamang talikod).

Halos lahat ng tao e sinabi sakin na sana masaya ako sa bertday ko, naging masaya naman pero may mga bagay pa din ako na naisip na nakapag palunkot sakin na kahit panong gusto ko na kalimutan para maging masaya e di ko kya. Napakahirap at napakagulo ng buhay ko ngayon. Sana magaral nako ulit para may pinagkakaabalahan ako at may direkyon naman ako at gusto ko na mag graduate upan matuwa naman nagulang ko sakin.

Hanggang dito na lng muna ha, atleast nakapag update nako after ng matagal na panahon. Sana mabasa nyo to ng buo at matuwa kyo sa pagbabasa nito.

Hanggang sa muli!!!

2 Comments:

Blogger blue_seeker_6 said...

oi tol!! im so sori... andito pa ako sa skul at di pa namin tapos ung program na pnpgawa ng titser namin. actually tinapos na kagabi kaso marami errors kaya kailangang i-debug!! sori po... bawi ako pagbalik ko jan!! sembreak na next week!! enjoy kau!

5:17 PM  
Blogger wishy wishy said...

napakahabang entry!!!!!

3:06 PM  

Post a Comment

<< Home