Wednesday, April 11, 2007

MATA

May isang lalake na tingin ng tingin
tingin ng tingin, tingin ng tingin
sa sobrang tingin ng tingin ay di napansin
na may nabangga sya na isang matanda

Sa pagkabangga ng lalake sa matandang babae
e natapon ang bitbit ng matanda na gulay
tingin ng tingin, tingin ng tingin at di napansin
na may kargador na nadulas sa mga gulay

Sa pagkadulas ng kargador ay sya'y napatingin
muntik matapon ang mga karga nya
tingin ng tingin, tingin ng tingin at di napansin
na sya'y muntikan bumangga sa isang tindahan

Sa muntikang pagkabannga ay napatingin ang tindera
napasigaw ang tindera ng "hoy! ano ba yan!"
tingin ng tingin, tingin ng tingin at di napansin
na sya'y nanakawan ng pala ng isang batang lalake

Sa pagkakanakaw ng bata ay may pulis na napatingin
ngunit wala syang ginawa kundi tumingin
tingin ng tingin, tingin ng tingin at di napansin
na ang batang lalake ay tumakbo na papalayo

Sa pagtakbo ng batang lalake sya'y kinabahan
matulin ang kanyang takbo para hindi mahuli
tingin ng tingn, tingin ng tingin at di napansin
na may batang babae nakaupo sa sulok

Sa pagkahampas ng batang lalake sa batang babae
ang batang babae ay napatingin
tingin ng tingin, tingin ng tingin at di napansin
na ang tanging nakikita nya at itim..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home