Wednesday, May 30, 2007

ANG KATOTOHANAN NG INUMAN

Sa akala ng lahat e pag naginuman e pwede kang mamlutan ng marami
naku, mali ka dahil ang pulutan e para sa lahat, hindi lang para sayo
hindi mo napapansin ang tawag na nila sayo e "kung fu"
sa totoo lng e hindi ok pero dahil inuman, ok lang lahat..

Sa inuman sinasabi nila pwede mong sabihin lahat.
pero ang hindi mo alam e tinitiis ka lang nila
natatawa sila sa bawat sinasabi mo, napapailing
pero wala silang magawa dahil inuman ito.

Sa inuman sabi nila lumalabas ang totoo
pero sa totoo lng e takot ka lang na sabihin ang totoo
kapag di ka nakaninom, naduduwag ka
pero syempre wala sila magagawa dahil inuman ito

Sa inuman sinasabi nila na pwede kang umiyak hanggang gusto mo
pero hindi mo alam pag nakatalikod ka e sasabihin lang nila
"ala, napano siya? bakit ganun sya?"
pero siyempre hindi sila magsasalita dahil inuman ito

Sa inuman sinasabi nila ito ay masaya
pero sa totoo lng lang e ito ang pinaka puro na
panahon ng pagiging malungkot, bakit?
dahil dito alam mo na hindi ka huhusgahan
dito alam mo na parepareho kayo ng nararamdaman
dito nakikita mo na di lang ikaw ang malungkot
dito nakikita mo sa mata ng lahat ang sama ng loob
di ka nagiisa pero nagiisa ka sa pag papakita ng lungkot
nagiisa ka dahil natatakot ang lahat
na "sirain ang magandang inuman"
pero isipin mo meron bang ganun?
pagkatapos ng palabas ng kasiyahan, anu ba pinaguusapan?

Hindi ba lungkot
Hindi ba kainisan
Hindi ba sama ng loob
Hindi ba masasamang alaala

Pero anu ba magagawa natin? Inuman ito e..
Kelangan masaya..

3 Comments:

Blogger engelman said...

two thumbs up!!! ba't ka nag-pharmacy gago eh mahusay ka naman magsulat.

9:52 AM  
Blogger blue_seeker_6 said...

my favorite so far! astig astig ang konsepto nang pagsulat! haha!! natuwa ako sa pagbabasa!

7:02 PM  
Blogger aDz said...

inuman n lang tayo...hehehehhe galing!!

5:42 PM  

Post a Comment

<< Home