Monday, June 18, 2007

BUNTUNG HININGA

Madalas ang buntung hininga ay senyales ng iba't ibang emosyon. Minsan dahil sa pagkabusog, minsan dahil sa pagkabagot, minsan sa pagkadismaya, minsan dahil sa pagkainis, minsan dahil sa lungkot, minsan may kasamang ngiti, minsan may kasamang simangot, pero madalas ito'y paraan ng pagpaparamdam ng pagod. Pagod sa trabaho, sa eskwela, sa pamilya, sa kaibigan, sa kasintahan, sa relasyon, sa buhay.

Lahat ng tao e ginagawa ito dahil sa kanya kanyang rason.
Sa paghinga ng malalim madalas nakakaramdam tayo ng pagiging maayos, nkakapagisip tayo ng maayos, nakakaramdam tayo ng kapayapaan, napipigilan natin na sumigaw, napipigilan natin na mainis, napipigilan natin na magalit. Yun nga lang e ang naidudulot lang nito ay pagpigil..

Napipigilan natin na ilabas kung ano talaga nararamdaman natin, napipigilan natin na sabihin ang totoo..

Sa bawat buntung hininga madalas ay may kasamang katanungan reaksyon...

Mga madalas na katanungan pagkatapos ng buntong hininga:
"Anong nangyayari sakin?"
"Anong ginagawa ko sa buhay ko?"
"Bakit ganito nararamdaman ko?"
"Tama ba ginagawa ko?"

Mga madalas na salitang binabanggit pagkatapos ng buntong hininga:
"Dana!"
"Buset!"
"Pootah!"
"Hay"
"Relax, relax"
"Shit"
"What the!"

Sa bawat paghinga ng malalim, sa bawat buntong hininga ay senyales ng hirap.. Senyales ng sakit.. Senyales ng pagpigil..

1 Comments:

Blogger dheiah said...

pero bestfrend kid,

tatandaan mo, sa bawat buntung hininga na manggagaling sayo ay senyales din ng bagong pagasa,
pagtuklas sa katotohanan na "aba kaya ko pa palang tumayo at lumaban"
na sa kabila ng paninikip at pagsikil ng kalooban mo, may magagawa ka pa pala para kahit papanu ay mapaluwag ang sidhi ng bawat bigat na nakakatang sa kalooban mo..

tndaan mo lang, at huwag ka makakalimot, na sa bawat buntung hininga mo, kamay ko ang tatapik sa balikat mo at magsasabing kaya mo yan, kailangan mo ba ng tulong?

never think that you are alone in this life's unending battle... kaya natin yan! kailangang kayanin... pero pag feeling mo super pagod ka na.. pahinga ka muna, ako nmn ang lalaban para sayo..

cheer up friend! you are well loved!

anyways, nice blogs.. deep, heavy and sentimental.. but nice.. =)

5:56 AM  

Post a Comment

<< Home