Sunday, July 22, 2007

BUHAY HIGHSHOOL part 1

Uniporme
Nag uniporme ka ba ng puti na polo at asul na pantalon
o kayumanggi na uniporme na may puti na sintoron?
Na may mga pagkakataon na umuuwi ka nang naka polo na lang
kasi nabasa ng pawis ang panloob mo.
Pagandahan at pabaguhan ng sapatos,
yabangan pag naka-jordan ka o kaya vans o airwalk.
Na umuwi ka na may tatas yung uniporme mo
kasi masyado maikli o dahil mababa masyado ang sinturon mo.
Nagpagandahan at paiksian ng medyas, yung may mga design na bulaklak, yung may mga lace.

Telepono
Nakuha mo ba na magkaroon ng phone pal na nakilala mo
dahil nadial lng nila ang number mo?
O kaya'y nagbibigay ng ibang pangalan pero sa totoo e kilala mo pla siya.
Manligaw sa telopono nagawa mo ba?
Na iba ang patatawagin at nagkataon na nandun ka kaya kayo na maguusap.
Na makipagusap sa taong gusto mo na grupo kayo
dahil kelangan mo ng suporta pag di mo na alam ang sasabihin mo,
na naririnig mo na kinikilig mga kaibigan mo at nagtatawanan.
Magtelebabad hanggang alas onse ng gabi na papagalitan ka sa magulang mo
dahil nung mga panahon na yun e late na yun kasi may pasok ka pa ng alas syete ng umaga.

Puppy love (di pa kasi uso yung love life na term nun)
Madalas ka bang pumupunta sa ibang iskwela para magpakyut sa crush mo?
Pupunta ka sa intrams o kaya foundation day nila
kasama mga barkada mo para manuod at mapansin kayo.
Gumawa ng mga paraan para mapansin ka ng crush mo
gaya ng pagsusuot ng mga usong damit,
pag gamit ng usong cologne, mga atlantis o kaya bench 8
o kaya pabango ng kuya mo o tatay na ninakaw mo sa cabinet nila.
para naman mabango ka pag lumapit ka sa crush mo
o kaya maamoy ka pag napadaan siya.
Naranasan mo ba na kabahan dahil may grupo ng babae o lalake
na nagbubulungan tapos tumatawa at nakatingin sa nyo na tinuturo ka pa.
Naranasan mo bang magpagawa o gumawa ng love letter
na nakasulat sa page ng corona notebook mo
o kaya nakasulat sa karton ng french fries ng Mcdo
na pinagkainan nyo ng crush mo.
Tinago mo ba yung resibo nung kumain kayo sa isang fastfood
o di kaya'y tinandaan ang petsa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home