Sunday, July 22, 2007

BUHAY HIGHSHOOL part 1

Uniporme
Nag uniporme ka ba ng puti na polo at asul na pantalon
o kayumanggi na uniporme na may puti na sintoron?
Na may mga pagkakataon na umuuwi ka nang naka polo na lang
kasi nabasa ng pawis ang panloob mo.
Pagandahan at pabaguhan ng sapatos,
yabangan pag naka-jordan ka o kaya vans o airwalk.
Na umuwi ka na may tatas yung uniporme mo
kasi masyado maikli o dahil mababa masyado ang sinturon mo.
Nagpagandahan at paiksian ng medyas, yung may mga design na bulaklak, yung may mga lace.

Telepono
Nakuha mo ba na magkaroon ng phone pal na nakilala mo
dahil nadial lng nila ang number mo?
O kaya'y nagbibigay ng ibang pangalan pero sa totoo e kilala mo pla siya.
Manligaw sa telopono nagawa mo ba?
Na iba ang patatawagin at nagkataon na nandun ka kaya kayo na maguusap.
Na makipagusap sa taong gusto mo na grupo kayo
dahil kelangan mo ng suporta pag di mo na alam ang sasabihin mo,
na naririnig mo na kinikilig mga kaibigan mo at nagtatawanan.
Magtelebabad hanggang alas onse ng gabi na papagalitan ka sa magulang mo
dahil nung mga panahon na yun e late na yun kasi may pasok ka pa ng alas syete ng umaga.

Puppy love (di pa kasi uso yung love life na term nun)
Madalas ka bang pumupunta sa ibang iskwela para magpakyut sa crush mo?
Pupunta ka sa intrams o kaya foundation day nila
kasama mga barkada mo para manuod at mapansin kayo.
Gumawa ng mga paraan para mapansin ka ng crush mo
gaya ng pagsusuot ng mga usong damit,
pag gamit ng usong cologne, mga atlantis o kaya bench 8
o kaya pabango ng kuya mo o tatay na ninakaw mo sa cabinet nila.
para naman mabango ka pag lumapit ka sa crush mo
o kaya maamoy ka pag napadaan siya.
Naranasan mo ba na kabahan dahil may grupo ng babae o lalake
na nagbubulungan tapos tumatawa at nakatingin sa nyo na tinuturo ka pa.
Naranasan mo bang magpagawa o gumawa ng love letter
na nakasulat sa page ng corona notebook mo
o kaya nakasulat sa karton ng french fries ng Mcdo
na pinagkainan nyo ng crush mo.
Tinago mo ba yung resibo nung kumain kayo sa isang fastfood
o di kaya'y tinandaan ang petsa.

Monday, July 09, 2007

Ikaw ba si Boy "baon"?
kaya late e dahil may rason.
Madalang lang humirit pero sa bawat banat ay ang kulit
may kasamang sundot sa tagiliran, ngiti na nakakaloko at mata na nanliliit.
Isang inhinyero na napalayo, matapang nag-solo
namimis ng lahat dahil sa layo ay text lang ang katapat.

Ikaw ba si Boy "buset"?
napapakamot ulo at bigas ay kainez.
Sa mga buyo ay siya ang hari, sa bawat salita ikaw ay mpapangiti.
Siya ang kaibigan na isang sabi lang ay mapagbibigyan ka,
kahit ano pa yan basta't kaya ay ibibigay niya.
Pag lumuluwas ka, isang text lng sa kanya, ang sagot niya agad ay "o sige halina".

Ikaw ba si Boy "kabeeg"?
kahit saan man ang mga tao ay napapakapit.
Prangka na tao laging sinasabi ang naiisip at ang totoo,
di ka iiwan kahit anong sabihin mo ay pakikinggan.
Papayuhan ka, sasabihan ka pero dapat handa ka na tanggapin ang kahit ano man.
Ngayo'y seryoso sa pag aaral upang tagumpay ay makamtan.

Ikaw ba si Boy "bangko"?
tahimik pero makulit, gwapo at matalino
kaya kahit sinong babae e sigurado maiinlab ng todo.
Tubig at load ang pinagkaabalahan sipag, pawis at tiyaga ang pinuhunan.
Madalang makakuwentuhan pero sigurado ito'y may kabuluhan.
Seryoso man tignan pero sa mga isang hirit sigurado sasakit ang iyon tiyan.

Ikaw ba si Boy "workaholik"?
Lagpas lagpas sa oras ng trabaho kaya laging pagod ang loko.
Sabado o linggo kapag tumawag ang boss bigkas ay "sige andyan na po".
Nasaktan ng todo todo pero ngayon handa nang ibigay lahat ng buo.
Porma pa lang mahuhumaling ka na, sa kanyang "bling bling" ika'y mapapa-wow talaga.
Naghihintay at naghahanap ng tunay na ligaya, babae na sa kanya'y magaalaga.

Ikaw ba si Boy "tibs"?
manunulat, artista, musikero sa madaling salita ay talentado.
Sa kasiyahan siya ang nangunguna, sa pagakain nandyan agad yan walang duda.
Simple magsalita ngunit malaman, pag di ka magaling umilag sigurado tatamaan ka.
Idolo ng madami, kaibigan ng lahat, tawa ang inumpisahan pero ngayon seryoso na.
Madalas naka ngiti pero isang malalim na tao na may malawak na pananaw.

Mga tunay na kaibigan, siguradong di malilimutan di lang dahil sa kakulitan
at kalokohan pero sila'y di malilimutan kasi sa lungkot at saya, gimik at problema,
may pera man o wala sigurado nandyan sila bibigyan ka ng kakaibang tuwa.

Iba't ibang persona, iisang barkada
ang tanging hangad ay ligaya
para sa sarili at sa isa't isa..
Mga taong totoo, kaibigan hanggang dulo.
Sino ka ba sa mga ito?