Alam mo ba kung nasan ang Tarlac?
Iniisip ko kung parte tayo ng Wow Philippines e ano ang tourist spot natin? Meron tayong Death March Shrine sa Capas yun nga lng e malayo kaya kung di ka fan ng history e malamang hindi mo dadayuin yun. May bago din yung Eco park sa San Jose, di ko pa nakita yun ngayon kasi nung last ako na nakapunta e hindi pa siya tapos. Meron din bagong Monastery sa San Jose na dinadayo din ng mga tao, maganda daw sabi ng nanay ko kasi ilang beses na sila nakapunta dun. Wala din malaking mall dito gaya ng SM o kaya'y Robinson's. Counted ba na tourist spot yun Luisita o kaya yung plaza natin na may istatwa ni Ninoy? Di ko lam e. Kung iisipin mo e meron nga bang tourist spot dito?
Kapag titignan mo sa mapa ang Tarlac e napapaligiran ito ng lupa, mga ibang probinsya gaya ng Nueva Ecija, Pampanga at Pangasinan. Sa pwesto pa lng e alam mo na walang dagat dito, swimming pool madami pero tubig alat ala. Wala din gimikan dito na gaya ng sa maynila o kaya sa ibang ciudad. Meron mga bars pero konti tao, tahimik (na para sakin e ok yun, yoko ng masyadong madaming tao), di uso mixed drinks, san mig light lang lagi. Kaya pag napapadpad mga nasanay sa maunlad na ciudad e naiisip na nilang bumalik kasi tahimik daw masyado, boring daw.
Kung may mapagmamalaki man ako dito sa Tarlac e malamang ay yung mga tao kasi dito ka makakakita ng halo halong tao na nagkakasama-sama, nagkakasundo-sundo. Maliit lang din ang Tarlac kaya halos lahat magkakakilala. Mayabang ako na pinagmamalaki ko mga tao dito dahil madami ako nakilala, dito kaya ako lumaki, madaming mabubuting tao ang nangagaling dito. Yun nga lang pag natapak na sa maynila e manilenyo na tingin nila sa sarili nila, ayaw na dito sa probinsya kasi nga daw walang magawa. Ewan ko ba bakit ganun, ako kasi kuntento na ko na nandito lang sa bahay namin, napapahinga. Pagdating ng hapon o gabi e magkikita kita kami ng mga kaibigan magiinom ng konti sa mga bahay o kaya sa Gauranos o kaya sa Fat-fat. Madaming kuwentuhan at konting inom madalas ang nangyayari. Madalas tuwing sabado e ganun ang ginagawa namin. Natutuwa na kami sa ganun, enjoy na kami sa ganun. Siguro sa tingin ng iba e mababaw pero ganun kami e. Mas pinupuntahan at inuuwian ang mga tao dito kesa sa lugar mismo, mas iniisip kung sino puwedeng makasama kaysa sa kung anong mapupuntahan.
Siguro masyado ko pinapanigan probinsya ko kasi dito ako lumaki pero subukan niyo lang. Subukan niyo na kilalanin mga tao dito, hindi lang basta daanan. Sigurado matutuwa kayo, makakakilala kayo ng mga taong interesante, mga taong makakausap ng maayos.